Di Mo Ko Katulad - JhoMajikero
Written by:Joffrey Ortanez
Ikaw ang syang pangarap ko
Ang nagsisilbing ligaya ko
Ang makita ka sa tuwina'y kumpleto na ang araw ko
Sa pagpikit nitong mata'y mukha mo'ng nakikita ko
Sa tuwing nakakasalubong ka sa daan
Di mo ko pinapansin
Sa tuwing tinititigan mo ako sa mata
Tumutulala sa hangin
Ang aking pag-iisip na maging akin ka
Kaso lang hindi tayo bagay sa isa't isa
Pagkat di mo ko katulad di ko kayang lumipad
Ng mataas para abutin ang ulap imposibleng maganap
Ikaw ang Diyosa ng paraisong nagbibigay-ganda
Sa pagkislap ng iyong mga mata'y natutunaw akong bigla
Ikaw ang syang pangarap ko
Ang nag-iisang liwanag ko
Kahit na anong sabihin ay di ko magagawa
Na limutin ka dahil ikaw lamang ang may gawa
Na paibigin ako ng husto sa iyo ay talagang nakakabaliw
Sa bawat ngiti mo sa daan habang naglalakad talagang nakakaaliw
Gusto ko lang malaman mong gusting-gusto kita
Kaso lang hindi tayo bagay sa isa't isa
Pagkat di mo ko katulad di ko kayang lumipad
Ng mataas para abutin ang ulap imposibleng maganap
Ikaw ang Diyosa ng paraisong nagbibigay-ganda
Sa pagkislap ng iyong mga mata'y natutunaw akong bigla
Ikaw ang bituwing makinang
Sa ganda mo'y nahihibang
Ako'y mahirap ika'y mayaman
Kaya hindi tayo bagay