Parang hindi ka nanghihinayang.
Sa 'ting dalawa, hindi ba sayang?
Ilang ulit na napagbigyan pero parang wala tayong natutunan.
Pakiramdam ay gumagaan habang papalapit tayo sa katapusan.
Sa bagay hindi na rin pala,
Hindi na rin pala nating kayang panindigan.
Sa bagay wala na rin pala, wala na rin pala kasi tayong babalikan.
'Di na bale, walang nasabi, atras-abante hangga't sa walang nangyari.
Alanganin, ayoko nang mabitin,
iyong tingin hinding-hindi na hahanapin.
Sa Bagay. 'Di na bale.
Sa Bagay. 'Di na bale.
Sa'n ba hindi nagkaintindihan?
Wala na sanang may kasalanan.
Lahat ng paraan ay nagawa pero hanggang dito na lang ang kaya.
Ang inakalang walang hanggan ay meron din pala minsan na katapusan.
Sa bagay hindi na rin pala,
Hindi na rin pala nating kayang panindigan.
Sa bagay wala na rin pala, wala na rin pala kasi tayong babalikan.
'Di na bale, walang nasabi, atras-abante hangga't sa walang nangyari.
Alanganin, ayoko nang mabitin,
iyong tingin hinding-hindi na hahanapin.
Kundi ka sana paasa edi tayo na sana.
Kundi ka sana paasa edi tayo na sana.
Kundi ka sana paasa (‘Di paasa)
Edi tayo na sana (Tayo sana)